December 09, 2024

Home BALITA

Davao Oriental, niyanig ng 4.0-magnitude na lindol

<b>Davao Oriental, niyanig ng 4.0-magnitude na lindol</b>
Courtesy: PHIVOLCS-DOST/FB

Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang probinsya ng Davao Oriental nitong Huwebes ng umaga, Hunyo 27, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Base sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 9:04 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 69 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Baganga, Davao Oriental, na may lalim na 21 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

Paalala ng PWS para sa flu season: 'Do not kiss babies that aren't yours!'

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.