January 04, 2026

Home SHOWBIZ Teleserye

'Bangkay' ni Ivana Alawi, natagpuan sa basurahan

'Bangkay' ni Ivana Alawi, natagpuan sa basurahan
Photo courtesy: Ivana Alawi (FB)

Nagulat ang mga netizen sa larawan ni Kapamilya at "FPJ's Batang Quiapo" star Ivana Alawi kung saan makikita ang aktres na nakahiga sa mga itim na plastik na basurahan.

Pero ito ay kuha lamang mula sa eksena niya sa nabanggit na patok na serye bilang si "Bubbles."

"Happy birthday Bubbles," tanging caption ni Ivana sa larawan.

Sa comment section, hindi pa nagkasya rito si Ivana at dinogshow na rin ang sarili.

Teleserye

'Ang Enca at ako ay iisa!' Suzette Doctolero, kinlaro okray niya sa 2016 Encatandia

"Papunta sa inuman vs Pauwi," aniya.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Happy Birthday Bubbles! Akala namin napano ka na."

"Ang gandang bangkay naman!"

"Happiest Birthday Bubbles hahaha."

"Sana isa ako sa trash bags!"

"Wow ganda ng posing niyo jn ma'am hehehe ND happy birthday ND goodbless po."

Ivana Alawi - Happy birthday Bubbles | Facebook

Habang isinusulat ang balitang ito ay umabot na sa 228k reactions, 2.3k shares, at 22.5k comments ang nabanggit na post.