January 13, 2025

Home SHOWBIZ Pelikula

Production company, nag-react sa dismayadong netizen sa pelikulang 'Mallari'

Production company, nag-react sa dismayadong netizen sa pelikulang 'Mallari'
Photo courtesy: Nheng's Wonderland (FB)

Usap-usapan ang naging post ng netizen na nagngangalang "Nheng's Wonderland" patungkol sa pelikulang "Mallari" na ginampanan ni Kapamilya star at Ultimate Heartthrob Piolo Pascual, na isa sa mga opisyal na kalahok sa naganap na 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF) na humakot ng mga parangal at itinanghal na "3rd Best Picture."

Ayon sa Facebook post ng netizen, na-excite daw siya nang malamang nasa Netflix na ang Mallari subalit nadismaya raw siya sa ilang mga detalye kaugnay rito.

"I was excited na palabas na to sa Netflix pero ayun disappointed na naman. Padre Mallari is the first serial killer documented here sa Pilipinas. Binasa ko pa muna story nya bago to maipalabas nun sa MMFF. Sana hindi na lang nila ginawan ng story kasi it was poorly executed," aniya.

Narito ang ilan sa mga binanggit niyang tila hindi nagustuhan sa pelikula:

Pelikula

Darryl Yap naglatag ng latest orders tungkol sa kaso; huling beses na magsasalita

1. Awkward ng scenes, it's not about Piolo or JC's acting but the whole storyline

2. Hindi ko kinaya ung scene ni Gloria Diaz na nagpapahatid ng langis napakaweird eh!

3. Horror effects napaka-low quality especially yung ginawa nila sa face ni Gloria Diaz!

4. Hindi nakakatakot sa totoo lang mas nakakatawa sya (sorry na)

5. May time travel pa nga! Hahaha

6. The plot was overwhelming with stories of faith healing, Filipino folklore, ghosts, witchcraft and voodoo

7. Sana nagstick na lang sila sa story ng totoong Father Mallari

Father Mallari's story has so much potential! Sayang, ginawan na lang sana nila ng ibang story etong film ni Piolo.

Mallari is about a parish priest that kills 57 people in the 1800s and becomes the first-recorded Filipino serial killer.

Mallari is now showing on Netflix," aniya.

Sa comment section ay nagkomento naman dito ang Facebook page ng "Mentorque Productions," ang production company na nag-produce ng pelikula.

"Its a plethora of variable when it comes to Filipino Audience. Our initial goal is to be able to capture the Filipino market. There were controversial choices sa pagbuo ng pelikulang Mallari. We are well aware of that. We stood firm that Filipino Folklore should be included because ito naman din talaga yung chismis/paniniwala nila noon sa Magalang. We also understand na Iba iba naman talaga appreciation ng tao. Pero hopefully not to a point na mag discourage ang disappointment, We can only wish.

"Promise, we will always try to elevate without forgetting our roots. An inch movement forward will always be a victory for all of us in the Film Industry. For Warner Bros. Pictures to partner with us is a win for all of us."

Nagpasalamat naman ang production company sa mga kritisismong natanggap nila, oportunidad upang mapabuti pa nila ang mga susunod nilang proyekto sa hinaharap.

"Ito po ay first mainstream movie namin, madami po kaming natutunan, mahalaga po lahat ng inyong saloobin."

"Salamat sa lahat ng hindi naka-appreciate, we hope to gain your support sa mga susunod na pagkakataon."

"Sa lahat ng naka-appreciate. You inspire us to do more, to test our limits. Samahan niyo po kami sa pangarap namin that we are able to export Filipino craftsmanship through film to the world. Salamat po ng madami!"

Tumugon naman sa post na ito si Nheng's Wonderland, "Thank you for taking the time to share this comment with us. I appreciate it so much. Please know that my feedback on Mallari is not a discouragement, it's rather to spark interesting discussions that are related to the film. I am actually learning a lot from the commenters here. I love watching movies, that is why I have so much hope for Philippine movies. Keep doing what you all do and I will be looking forward to more of your future movies."