Todo-pasalamat ang aktor na si John Lloyd Cruz sa birthday greetings sa kaniya ng girlfriend na si Isabel Santos.

Low-key ang relasyon ng dalawa kaya naman kinakiligan ng mga netizen ang naging tugon ni Lloydie sa simpleng pagbati sa kaniya ng jowa. 2021 pa sila nakitang magkasama subalit noong 2023, ganap nang inamin ng aktor ang kanilang label nang sumalang siya sa "Fast Talk with Boy Abunda."

Going back sa birthday greeting ni Isabel, biniro niya si Lloydie na parang hindi ito nagpaparamdam sa kaniya dahil "low batt" o walang power ang battery ng cellphone.

"Happy birthday behbeh. Wala ka nanamang battery🤗🌟" ani Isabel.

Relasyon at Hiwalayan

Arci Muñoz, handang iwan ang career para sa pag-ibig?

"Tawagan mo ako pagmeron na."

Ibinahagi rin ni Isabel sa kaniyang Instagram post ang mga larawan nilang magkasama ni JLC.

Sa isa pang Instagram post, tuwirang sinabi ni Isabel na mahal niya ang boyfriend.

"Mahal kita beh," caption niya.

Tugon naman ng aktor sa kaniyang "beh," "And thank you beh for coming into my life."

“Your love makes life a little less ordinary and carries me to a place where silence allows me to transform the greatness of astonishing pain and intolerable loss into an opportunity to be the person I want my son to see," pahayag pa niya.

Nagpasalamat din si Idan (palayaw pa ni John Lloyd) sa pagmamahal ng jowa lalo na sa pagluluto nito para sa kaniya.

“Thank you for being there beh. Thank you for your love. Please don’t ever stop cooking for me. It’s the only way I truly feel special,” pakiusap ni John Lloyd kay Isabel.

Kuwelang reply naman ni Isabel na isang visual artist, "grabe namannn parang birthday ko🥰."

Ibinahagi pa ni Isabel ang iba pa nilang larawan ni Lloydie sa iba pang Instagram posts.

Sana all!