Basang-basa ang mga residente at nagdaang motorista sa San Juan City matapos magsabuyan ng tubig sa isa't isa at sa mga dumaraan, kaugnay ng pagdiriwang ng kapistahan ni St. John the Baptist sa nabanggit na lungsod ngayong araw ng Lunes, Hunyo 24.

Sa mga larawang ibinahagi ni Mark Balmores ng Manila Bulletin, makikitang masayang-masayang nagbasaan ang mga residente sa San Juan City, at may ilan pang fire truck na nagbuga ng tubig para mabasa ang lahat.

Ang ilan ay kumuha pa ng mga timba ng tubig at sinabuyan ang sarili maging ang iba pa.

Taon-taong tradisyon ang pagdiriwang ng pista ni San Juan Bautista, na isinasagawa sa pamamagitan ng basaan sa isa't isa, bilang representasyon sa kaugalian ng bautismo.

Tsika at Intriga

Negosasyon sa renewal ng It's Showtime sa GMA, pinoproseso na!

MAKI-BALITA: Mga taga-San Juan City, nagbasaan sa pagdiriwang ng kapistahan

Ngunit umani naman ng reaksiyon at komento sa mga netizen ang viral Facebook reel ng netizen na nagngangalang "Gian Russel Bangcaray" na nagpapakita sa paraan ng pagbubuhos ng tubig ng ilang mga residente lalo na sa mga motoristang nagdaraan sa kanila.

Makikita kasing ilang kalalakihan at kabataan ang talagang nanghahabol ng mga sasakyan, binubuksan ang mga pinto nito, at binubuhusan ang mga nasa loob.

Makikita rin ang ilang mga motoristang tila hindi komportable sa paraan ng pagkakabuhos o pagkakasaboy sa kanila ng tubig, lalo na ang mga nakamotorsiklo at nakabisikleta.

Isa sa mga nag-react dito ay si Khimo Gumatay, grand winner ng "Idol Philippines Season 2" at napapanood din tuwing Linggo sa "ASAP Natin 'To."

Simpleng react niya, "Not Cool, Not Cool."

Photo courtesy: KHIMO (FB) via Gian Russel Bangcaray (FB)

Umani naman ng reaksiyon at komento ang kaniyang naging reaksiyon.

"Nawala na ang essence ng San Juan Fiesta, dinaan na sa kawalang respeto, sa kapwa, iba nakakapanakit na... Tsk," sabi ng isa.

Sansala naman ng isa kay Khimo, "KHIMO, very kj, very kj."

Ngunit ipinagtanggol din naman ng iba pa si Khimo.

"Hindi nmn KJ, Sino ba nmn ang gustong basain habang nag mamaneho, at papunta sa importanteng lakad Diba?"

"Ikaw kaya may project , may work or may requirements na mahalaga tapos di ka aware na ganyan kabastos mga tao ? KJ pa ba yun ?"

"basain kita dito kasama laptop or important documents mo"

"kung magfiesta kayo, kayo lg, ang iba may trabaho sa ibang lugar na hindi sakop ng peste nyu."

Narito naman ang iba pang reaksiyon at komento ng iba pang netizens.

"This has to end now. For sure most of them don't even know the meaning behind this tradition. People who are going to work are being harassed for no reason. Tambay na nga perwisyo pa."

"Dami nman kse squammy. Di nman ksama sa tradition yung mangharang ng sasakyan at mamerwisyo. Lol. Ugaling kanal e."

"Kaya di umuunlad bansang to dahil sa mga utak paurong. Yung mga totoong naghahanapbuhay binabasa ng mga walang trabaho sa daan. No disrespect sa Fiesta nyo pero mas maayos siguro buhay nyo kung nag hanapbuhay kayo ng maayos kesa iaasa nyo sa Santo eh di sana di kayo nka tambay dyan at nambabasa taon taon."

"Government of San Juan must do something about it. This is ridiculous"

"That guy who's keep squirting a motorcycle guy wth his water gun while sticking out his tongue is beyond annoying, if I'm that person, god knows what brutality I've done to him taunting me like that."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon o pahayag ang lokal na pamahalaan tungkol dito.