May 13, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Boobey ni Heart, halos matakpan lang ng flowers

Boobey ni Heart, halos matakpan lang ng flowers
Photo courtesy: Heart Evangelista (IG)

Grabehan ang ibinahaging larawan ni Kapuso star Heart Evangelista sa kaniyang serye ng Instagram stories, kung saan makikita ang kakaibang disenyo ng kaniyang saplot pang-itaas.

Sa biglang tingin, aakalaing mga kakarampot na flowers lamang ito na nagtatakip sa kaniyang dibdib.

Todo-awra naman si Heart habang ibinibida ang kaniyang damit.

Kapag susuriing mabuti, skin-toned ang damit at kakulay lamang ng kaniyang kutis kaya aakalaing parang pinulupot lang ang mga bulaklak sa kaniyang boobsie. 

Pero kering-keri naman ng bagong presidente ng Senate Spouses Foundation, Inc. (SSFI) ang mga ganoong klase ng outfitan, at kitang-kita ang magandang hubog ng kaniyang katawan.

Tsika at Intriga

Bago si Mayor Mark: Jericho, naunang jowa ni Kathryn sey ni Cristy Fermin