Nasamsam mula sa isang Colombian national ang tinatayang nasa ₱8.5 milyong halaga ng umano’y liquid cocaine sa isinagawang controlled delivery operation sa Brgy. San Antonio sa Makati City nitong Martes ng gabi.

Kinilala ng PDEA Central Luzon team leader ang suspek na si Santiago Francisco Amado Sopo, alyas ‘Antonio Cordero,’ 32, Columbian national.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Naharang ang parcel na naglalaman ng umano’y liquid cocaine sa Clark Port noong Hunyo 21, 2024.

"The liquid cocaine originated in Colombia was concealed in a shipment that raised suspicions during routine inspection at the port. The discovery of the drugs prompted PDEA to launch a controlled delivery operation targeting the consignee in Makati City,” anang PDEA.

Nasamsam mula sa suspek ang tatlong plastic bottle containers na naglalaman ng umano’y liquide cocaine, dalawang identification cards, at cellphone.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 Sec. 4 (Importation of Dangerous Drugs and/or Controlled Precursors and Essential Chemicals) ang suspek.