Nagsuspinde ng operasyon ang Light Rail Transit 1 (LRT-1) dahil sa babaeng tumalon umano sa riles ng tren nitong Martes ng tanghali, Hunyo 25.

Sa isang pahayag, kinumpirma ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), operator ng LRT-1, ang suspensyon ng kanilang operasyon nitong 12:42 p.m. dahil sa babaeng tumalon at umupo sa riles habang paparating ang tren sa Doroteo Jose Station (Southbound).

Metro

‘Di naman ako artista!’ Sagot ni Vico Sotto sa interview hinggil sa ‘The Kingdom,’ kinaaliwan

Dagdag pa ng LRMC, nagtamo ng minor injury ang babae at agad isinugod sa ospital.

"Per initial assessment, the passenger was conscious and sustained minor injury, and was immediately brought to the hospital and turned over to the proper authorities. LRT-1 operations were temporarily suspended at 1242pm. Operations for the full line resumed by 1259pm."

Kumakalat at usap-usapan ngayon sa social media ang video ng naturang babaeng tumalon at umupo sa riles dahilan para muntik na itong madaanan ng tren.