Minalisya ng mga netizen ang Facebook post ng isang nagngangalang "Arnil Derotas" habang nasa isla ng Siargao sa Surigao City, noong Hunyo 20.

Makikita kasi sa isa sa mga larawan niya ang Kapuso actor na si Tom Rodriguez.

Makahulugan pa ang caption niya sa post na mula sa sikat na awitin ng all-female Pinoy Pop group na "BINI," ang "Pantropiko."

"Can't wait to go back with you, Sa islang pantropiko ❤️🫶🏻🌴" mababasa sa caption.

Tsika at Intriga

John Estrada, trending sa X; sigaw ng netizens, 'wag isabuhay si Riggghhhooouuurrr!

May hashtags itong "#ToGodBeTheGlory" at "#workcation."

Kaya naman napapatanong ang mga netizen sa comment section ng iba't ibang social media pages at news sites na nag-ulat at nag-share nito kung ano raw ang kaugnayan ng nabanggit na lalaki kay Tom.

Ngunit batay rin sa ilang mga netizen, hindi raw dapat bigyan ng malisya ang larawan dahil si Arnil ay personal assistant o PA daw ng aktor, kaya naturalmenteng magkasama sila. Obvious naman daw sa nakalagay na hahstag na "#workcation."

Isa pang bagay, wala namang ibig sabihin kung magkasama ang dalawang tao sa iisang larawan, maliban na nga lang kung babahiran ito ng malisya.

Sinubukan ng Balita na makipag-ugnayan kay Arnil upang hingin ang kaniyang panig sa pangmamalisya ng mga netizen sa kanila ni Tom, subalit hindi pa siya tumutugon sa aming mensahe. Wala pa ring reaksiyon o pahayag tungkol dito si Tom.

Anyway, usap-usapan naman ang tsikang nasa ibang bansa si Tom upang bisitahin daw ang umano'y anak niya sa kaniyang karelasyong hindi niya tinukoy ang pagkakakilanlan.