How true ang lumulutang na tsika tungkol sa aktor na si Tom Rodriguez na babalik umano sa Amerika dahil manganganak ang jowa niyang foreigner?

Sa isang episode ng “Cristy Ferminute” noong Lunes, Hunyo 24, sinabi ni showbiz columnist Cristy Fermin na si Tom umano ang tinutukoy sa isang blind item.

“Ito po ay wala pang pangalan na naba-blind item. Pero napakarami na pong tumutukoy na si Tom Rodriguez ‘yong sinasabing aktor na babalik ulit sa Amerika dahil manganganak na ang kaniyang foreigner girlfriend,” saad ni Cristy.

Gayunman, nilinaw ng showbiz columnist na si Tom daw dapat ang magsalita para kumpirmahin o pabulaanan ang tungkol sa tsikang ito.

Tsika at Intriga

Baron Geisler, tinantanan na ang anak kay Nadia Montenegro

“Kaya nga  tayo patandang-pananong ang ating teaser. Totoo ba na magkakaroon na siya ng baby sa kaniyang girlfriend,” aniya.

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, tikom pa rin ang bibig ni Tom hinggil sa naturang tsika.