Sa unang pagkakataon matapos niyang magbitiw bilang kalihim ng Department of Education (DepEd), inihayag ni Vice President Sara Duterte ang kasalukuyang estado ng relasyon nila ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Matatandaang noong Miyerkules, Hunyo 19, nang magbitiw si Duterte bilang DepEd secretary dahil umano ng tunay niyang malasakit para sa mga guro at kabataang Pilipino.

Kaugnay nito, sa eksklusibong panayam ng GMA Integrated News nitong Linggo, Hunyo 23, sinabi ni Duterte na personal siyang nagtungo sa opisina ni Marcos upang sabihin ang tungkol sa kaniyang pagbibitiw sa DepEd at bilang bahagi ng gabinete nito, at naging maayos naman daw ang kanilang pag-uusap.

National

VP Sara sa pagbibitiw bilang DepEd Secretary: ‘Hindi lulan ng kahinaan’

“Sinabi ko sa kaniyang dala ko ‘yung resignation letter ko. Maayos naman ‘yung kaniyang pagtanggap and maayos din ‘yung pagtatapos ng aming pag-uusap,” ani Duterte.

“We are still friendly with each other on a personal level,” saad pa niya.

Matatandaang sina Marcos at Duterte ang mag-running mate noong nakaraang eleksyon sa ilalim ng ticket ng “UniTeam.”

Samantala, dahil sa naturang pagbibitiw ni Duterte bilang DepEd chief ay muling umusbong ang umano’y pagkabuwag ng UniTeam.

https://balita.net.ph/2024/06/20/pagbibitiw-ni-vp-sara-bilang-deped-sec-wakas-ng-uniteam-lagman/

https://balita.net.ph/2024/06/19/uniteam-dissolved-na-harry-roque-nag-react-sa-pagbibitiw-ni-vp-sara/