Nagpaabot ng pagbati si dating senador Antonio "Sonny" Trillanes IV sa kapwa dating senador na si Leila De Lima matapos ma-acquit sa kaniyang kahuli-hulihang drug case ngayong araw ng Lunes, Hunyo 24.

Ani Trillanes sa kaniyang X post, "Congrats, Sen. @AttyLeiladeLima! Your long-awaited personal vindication has finally come."

Makahulugang sabi pa niya, "Your next chapter begins…"

Photo courtesy: Sonny Trillanes (X)

National

Chile, niyanig ng magnitude 7.4 na lindol; Pinas, walang banta ng tsunami

Ibinasura ng Muntinlupa City Regional Trial Court (RTC) ang ikatlo at huling kaso ni De Lima kaugnay ng ilegal na droga nitong Lunes.

Ipinagkaloob ng Muntinlupa City RTC Branch 206 ang “demurrer to evidence” ni De Lima, dahilan ng kaniyang pagka-absuwelto sa huli niyang drug case.

Dahil sa desisyon ng korte, naibasura na ang lahat ng mga kasong inihain laban kay De Lima sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

MAKI-BALITA: Leila de Lima, pinawalang-sala sa huling drug case