Naglabas ng press statement ang legal counsel ng actor-singer na si Ronnie Liang kaugnay ng kumakalat na viral video nila ni dating Presidential Spokesperson at senatorial candidate Atty. Harry Roque, na minalisya naman ng marami, matapos ang pagkakaugnay ni Roque kay Mister Supranational 2016 Alberto Rodulfo "AR" dela Serna bilang "travel companion" sa mga pagtungo niya sa abroad bilang pagganap sa kaniyang tungkulin noong panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa nabanggit na video, makikitang nakasakay sa isang bangka sina Ronnie at Atty. Roque, at maya-maya ay sinabi ng huli na "Mamaya-maya, titingnan natin kung mapapa-topless ba natin si Ronnie Liang."

Sa isa pang kumalat na video, maririnig naman ang tanong ni Atty. Roque kay Ronnie kung siya ba ay talagang wholesome at hindi palikero. Tinanong din niya ito kung talaga bang maputi siya at mukhang Koreano.

Nilinaw ni Atty. Ralph Calinisan na walang "personal dealings" si Ronnie kay Atty. Roque. Nagtungo umano ang kaniyang kliyente sa Dinagat Island noong Hulyo 2022 para sumama sa pamamahagi ng relief goods matapos manalasa ng bagyong Odette.

Tsika at Intriga

Negosasyon sa renewal ng It's Showtime sa GMA, pinoproseso na!

"Para malinaw, si Ronnie Liang ay hindi po 'alaga' ni Harry Roque tulad ng ibig ipakahulugan ng ilan," bahagi ng press statement. Sumama raw si Ronnie sa vlog ni Atty. Roque dahil siya ay "courteous and well-mannered person."

Photo courtesy: Atty. Ralph Calinisan

Kaugnay nito, nagbigay rin ng pagsuporta si Ronnie sa LGBTQIA+ community at nananawagan din sa "equality" at "inclusivity."

MAKI-BALITA: Harry Roque, nagsalita sa pagpondo niya sa male pageant winner sa kanilang foreign trips

MAKI-BALITA: Harry Roque, pinondohan umano male pageant winner sa kanilang trips abroad