Tila nagbigay ng reaksiyon ang aktor, singer, piloto, at army reservist na si Ronnie Liang kaugnay sa pangmamalisya sa viral videos nila ni Atty. Harry Roque.
Sa nabanggit na video, makikitang nakasakay sa isang bangka sina Ronnie at Atty. Roque, at maya-maya ay sinabi ng huli na "Mamaya-maya, titingnan natin kung mapapa-topless ba natin si Ronnie Liang."
Sa isa pang kumalat na video, maririnig naman ang tanong ni Atty. Roque kay Ronnie kung siya ba ay talagang wholesome at hindi palikero. Tinanong din niya ito kung talaga bang maputi siya at mukhang Koreano.
Aniya, "When people hear good things about you, they stay silent. When they hear bad things about you, they spread it like wildfire. But when they hear nothing about you, they make things up."
"However, it’s important to remember that you cannot control what others say about you. Instead, focus on the best version of yourself and let your actions speak for themselves."
"Over time, your character and integrity will shine through,and the people who matter most will recognize and appreciate you for who you are."
Naglabas naman ng makahulugang Facebook post ni Ronnie matapos maglabas ng press statement ang kaniyang legal counsel na si Atty. Ralph Calinisan tungkol sa viral videos.
Nilinaw ni Atty. Calinisan na walang "personal dealings" si Ronnie kay Atty. Roque. Nagtungo umano ang kaniyang kliyente sa Dinagat Island noong Hulyo 2022 para sumama sa pamamahagi ng relief goods matapos manalasa ng bagyong Odette.
"Para malinaw, si Ronnie Liang ay hindi po 'alaga' ni Harry Roque tulad ng ibig ipakahulugan ng ilan," bahagi ng press statement. Sumama raw si Ronnie sa vlog ni Atty. Roque dahil siya ay "courteous and well-mannered person."
Kaugnay nito, nagbigay rin ng pagsuporta si Ronnie sa LGBTQIA+ community at nananawagan din sa "equality" at "inclusivity."
MAKI-BALITA: Ronnie Liang hindi ‘alaga’ ni Harry Roque—legal counsel