Nagbigay na rin ng reaksiyon ang panganay na anak ni dating Vice President Leni Robredo na si Aika Robredo sa pag-acquit sa ikatlo at huling kaso ni dating senador Leila De Lima kaugnay sa umano'y illegal drug trade na nangyari sa New Bilibid Prison sa panahon ng panunungkulan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ibinahagi ni Aika sa kaniyang X post ang isang balita patungkol dito. Ngayon daw ay ganap nang malaya si De Lima.

"The arc of the moral universe is long, and now, finally, CLEARED. Of ALL charges. Charges na puro imbento that detained her for 6 years. Leila is finally free. ✊🏻," mababasa sa kaniyang X post.

Photo courtesy: Aika Robredo (X)

Ibinasura ng Muntinlupa City Regional Trial Court (RTC) ang ikatlo at huling kaso ni De Lima kaugnay ng ilegal na droga nitong Lunes.

Ipinagkaloob ng Muntinlupa City RTC Branch 206 ang “demurrer to evidence” ni De Lima, dahilan ng kaniyang pagka-absuwelto sa huli niyang drug case.

Dahil sa desisyon ng korte, naibasura na ang lahat ng mga kasong inihain laban kay De Lima sa ilalim ng administrasyon ni Duterte.

MAKI-BALITA: Leila de Lima, pinawalang-sala sa huling drug case