Ngayong Pride Month, ipinaabot ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na sila ay “proud ally” ng LGBTQIA+ community matapos nilang gawing “rainbow crosswalk at overpass” ang isang pedestrian lane at footbridge sa harap ng kanilang opisina sa Pasig City.

Sa ginanap na ceremonial ribbon cutting nitong Lunes, Hunyo 24, sinabi ni MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes na isang “visible commitment” ang rainbow-painted crosswalk at footbridge para ipakita ang hangaring pagkakapantay-pantay, lalo na para sa LGBTQIA+ community.

“In MMDA, there is no discrimination. All are welcome and given equal employment opportunities regardless of sexual preference,” ani Artes.

“The adoption of rainbow crosswalk and footbridge is just a symbolic start towards more concrete plans and projects for gender inclusivity,” dagdag niya.

Events

‘Awra Marikina: Rampa ng Pag-ibig at Kalayaan’, nilahukan ng LGBTQIA+, allies

Kaugnay nito, nanawagan si Artes sa publikong alisin na ang diskriminasyon at lubusang tanggapin na sa lipunan ang mga miyembro ng komunidad ng LGBTQIA+.

Bukod dito, sinabi rin ng MMDA chair na umaasa siyang magsisilbing ehemplo ang kanilang ginawa para sa iba pang mga ahensya ng gobyerno, local government units, at pribadong organisasyon na manindigan at magkaroon ng kamalayan sa lipunan.

“The government’s support for the LGBTs is an expression that there’s nothing wrong with being a member of the community,” saad ni Artes.

Ngayong buwan ng Hunyo ipinagdiriwang ang Pride Month bilang isang selebrasyon at protesta para ipanawagan ang mga karapatan ng LGBTQIA+ community.

Kaugnay na Balita:

https://balita.net.ph/2024/06/22/qc-may-pa-graduation-rights-sa-lgbtqia-students-na-di-nakamartsa-sa-paaralan/