"A new icon/meme is born!"

Usap-usapan sa social media ang isa sa mga kandidata ng ginanap na "Miss Manila 2024" na si "Miss Pandacan" dahil sa naging tapat na pagsasabing hindi niya alam ang ibig sabihin ng "spirit animal."

Tinanong kasi siya ng hosts na sina Miss Universe 2018 Catriona Gray at Miss Universe 2022 R'Bonney Gabriel kung sino o ano ang kaniyang "spirit animal."

"Who or what is your spirit animal?" tanong ni Catriona.

Events

Kylie Padilla, masaya kahit walang ka-date sa GMA Gala 2024

"Ooohhh, I think my spirit animal is something that I'm... Uhm... I think my spirit animal is..." sey ni Miss Pandacan. Maya-maya, umamin na siya sa dalawa na hindi niya alam ang ibig sabihin ng spirit animal.

"Oh my God, I'm so tensed at this moment. What's a spirit animal to be honest?"

Maagap namang sinagot ito ng dalawang host.

"It could be something that maybe reflects your personality," sey ni Cat.

"Or your favorite animal," singit naman ni R'bonney.

Tila nahimasmasan naman si Miss Pandacan at ang sinagot niya ay "monkey" o unggoy.

"Oh, okay so my spirit animal I think is a monkey. A monkey is very fun so that's something that describes me, thank you so much for that!"

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Naku goodbye na kay Janina San Miguel hahaha."

"A new meme is born hahahaha."

"Pero nakakatuwa ang honesty niya, kaysa nga naman sa mas mapahiya pa siya. Go girl!"

"Kudos to @catrionaelisa and @rbonneynola! You saved her! Miss Pandacan, you are my spirit animal!"

"She's giving Janina San Miguel ha hahahahaha 'my pamileeh.'"

"yessss nakakatuwa si ate she kept her composure kahit wala siyang idea about sa spirit animal and was able to give an answer, kudos rin to cat and rbonney for helping her queens helping other queens."

"she did handle it so well to be fair 👏 if ako nandiyan, baka kung anek anek na pinagsasabi ko."

"I love the honesty. Ikaw na ang spirit animal namin hahaha."

"Well-handled din ng hosts, and naitawid naman ni Anteh."

Samantala, ang itinanghal naman na Miss Manila 2024 ay pambato ng Sta. Cruz na si Aliya Rohilla. Ginanap ang coronation night ng pageant sa Metropolitan Theater sa Maynila noong Sabado, Hunyo 22, ilang araw bago sumapit ang Araw ng Maynila.