Usap-usapan ang naging "random X post" ng mahusay na aktres na si Janice De Belen patungkol sa pinagtatalunang pagpasa sa Divorce Bill.

Mainit na pinagdedebatehan ngayon kung nararapat na bang isabatas ang diborsyo sa Pilipinas para maidagdag sa option ng mga mag-asawang hindi na masaya sa kanilang pagsasama.

Hati ang opinyon ng mga tao patungkol dito, lalo na't isang Kristiyanong bansa ang Pilipinas, at karamihan sa mga tutol sa panukalang-batas na ito ay mga naniniwala sa kasagraduhan ng kasal; na ang sinumang pinagsama ng Diyos ay hindi mapaghihiwalay ng tao.

Sa X post ni Janice nitong Linggo, Hunyo 23, "Kung ayaw nila ng divorce, let's criminalize infidelity🤔🤔🤔."

Relasyon at Hiwalayan

Kylie, natutuhang pagkatiwalaan ang sarili dahil sa bagong jowa

Photo courtesy: Janice De Belen (X)

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens. May netizens na nagsabing may batas na para sa infidelity gaya ng "adultery" at "concubinage" na nasa Article 333 at 334 ng Revised Penal Code.

Isang netizen naman ang nagsabing hindi pa rin patas ang isinasaad patungkol sa adultery at concubinage.

"Hindi rin patas yung Article 333 and 334 ng Revised Penal Code. Attaching a part of its exploratory note for reference," aniya pa.

Narito naman ang ilan pa sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"Dati pa namang may law re infidelity the problem is need niya marevise kasi favorable to men."

"Double standards kasi ang Pinas. Hayst. Dapat pa makuhanan mo ng nakapatong or magkapatong bago mo pwede ipakulong. Hayst."

"matagal na pong criminal offense ang infidelity."

"There's a great need to revisit and make some amendments on the articles 333 and 334 of the RPC. Infidelity should and must be penalized to the highest extent of the law. The family code should also be strengthened and revisited."

"I agree criminalize infidelity, like theft dahil walang control sa sarili, ayaw makontento and yung mga magnanakaw magsisinungaling mga yan like what they do also."

Si Janice ay annulled na sa kaniyang dating mister na si John Estrada noong 2004. Sa ngayon, kasal na si John sa kaniyang misis na si beauty queen-actress-model Priscilla Meirelles.