Hindi pinalagpas ni Jake Zyrus ang isang netizen na nagsabing sinayang niya ang boses niya bilang si Charice, ang "most talented girl" na nagpabilib sa buong mundo sa larangan ng musika.

Bukod dito, inihambing siya ng netizen sa kapwa singer at transgender na si Ice Seguerra, na bagama't dumaan din sa transisyon ay hindi naman daw nagbago ang timbre ng tinig at estilo sa pagkanta.

"Sayang boses mo Charice. Bakit si Ice Seguerra transman pero never binago ang boses. Sayang talaga," anang netizen.

Sermon naman sa kaniya ni jake, "First of all, with respect to my past, keep my deadname out of your silly mouth. And darling, it's because he hasn't taken any hormone therapy. It's a HUGE part of being a transman..."

Tsika at Intriga

Lotlot De Leon, inusisa gala ni Janine Gutierrez: 'Sino kasama mo?'

Photo courtesy: via Fashion Pulis

Hindi na raw magpapaliwanag si Jake dahil batay raw sa naging komento ng netizen, ay mukha itong ignorante.

Isang netizen naman ang nagtanggol kay Jake, na sinegundahan naman ng singer.

"You support a trans, and bash another trans because of what? Birit? Yun lang? Make it make sense sis. Hater. Being a transgender is more than just singing high or low notes."

"And the audacity of you to deadname me and properly call Ice his real name. What a joke."

Photo courtesy: via Fashion Pulis

Matatandaang kamakailan lamang ay muling lumutang si "Charice" matapos ang trending na "All By Myself" performance ni SB19 main vocalist Stell Ajero sa concert ni hitman David Foster sa Smart Araneta Coliseum.

MAKI-BALITA: Sinong mas magaling? Stell at Charice, pinagkukumpara sa ‘All By Myself’

Nag-react naman dito ang ina ni Jake na si Raquel Pempengco at sinabing "incomparable" ang dalawa dahil magkaiba sila ng genres at estilo sa pag-awit; pareho naman daw silang magaling.

MAKI-BALITA: Nanay ni Jake Zyruz, nag-react sa ‘All By Myself’ ni Stell

MAKI-BALITA: Madir ni Jake Zyrus proud nang mapadikit kay Stell, nag-react ulit sa ‘comparison issue’

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Ice kaugnay sa isyung ito.