Nanawagan si Senador Risa Hontiveros sa mga awtoridad na panagutin ang mga naghain ng maling akusasyon laban kay dating Senador Leila de Lima.

Sinabi ito ni Hontiveros matapos ibasura ng Muntinlupa City Regional Trial Court (RTC) ngayong Lunes, Hunyo 24, ang ikatlo at huling kasong isinampa kay De Lima sa ilalim ng administrasyong Duterte.

“We need to focus our attention on those who have wrongly accused her. False charges compromise not only the accused's reputation but also the integrity of our legal system.” pahayag ni Hontiveros.

National

Leila de Lima, pinawalang-sala sa huling drug case

“We call upon the authorities to pursue and hold accountable those who have perpetuated these unfounded allegations. Justice must be served, and those who have wronged her and our legal system must face the consequences of their actions,” dagdag niya.

Samantala, sinabi ni Hontiveros na napatunayan ng pagka-absuwelto kay De Lima na ang hustisya ay nakabase sa katotohanan at ebidensya.

“She has faced public ridicule and injustices, yet she remained steadfast in her commitment to truth and justice. Noon pa man, alam kong walang sala si Sen. Leila at umaapaw ang kaligayahan sa puso ko na ngayon ay nakamit na niya ang hustisya. From ‘Free Leila Now’ to ‘Now, Leila is free’,” saad ng senadora.

Matatandaang unang nakulong si De Lima noong 2017 dahil sa umano’y pagkakasangkot niya sa illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison, bagay na paulit-ulit niyang itinanggi.

Pinawalang-sala naman ng korte ang una niyang drug case noong 2021, habang ibinasura din ang ikalawa noong Mayo 2023.

https://balita.net.ph/2023/05/12/de-lima-pinawalang-sala-sa-isa-pang-drug-case/

Nobyembre 2023 naman nang payagan ng Muntinlupa court si De Lima na magpiyansa ukol sa naturang natitirang drug case, na ibinasura nitong Lunes.

https://balita.net.ph/2023/11/13/makakalaya-na-de-lima-pinayagang-magpiyansa/