Viral ang Facebook post ng isang estudyanteng naninirahan sa Anonas, Quezon City matapos ibahagi ang karanasan sa kamay ng "riding in tandem" na tumambang sa kaniya habang naglalakad siya pauwi.

Kuwento ng netizen na si "Thomas Jayson," nangyari ang insidente dakong 9:30 ng gabi noong Biyernes, Hunyo 21 habang naglalakad siya pauwi. Minabuti raw niyang maglakad na lamang para makatipid sa pamasahe. Nang malapit na raw siya sa kaniyang tinutuluyan ay biglang lumitaw ang dalawang lalaking nakasakay sa motorsiklo. Ang isa raw ay tinutukan siya ng baril at kinukuha ang kaniyang bag at cellphone.

Para hindi raw siya makasigaw at makahingi ng tulong ay sinikmuraan daw siya ng lalaking nanutok ng baril at kumukuha ng kaniyang mahahalagang gamit. Nang tumakas siya palayo, hinampas daw siya ng baril sa ulo na naging dahilan para matumba siya. Sa kasamaang-palad, hindi niya nakuha ang plate number ng motorsiklo dahil nalaglag at nasira ang kaniyang suot na salamin sa mata.

"Yesterday, June 21, around 9:30 PM, I had a near-death experience," aniya.

Human-Interest

Vice Ganda, inalis kaniyang wig para sa 'EXpecially For You' contestant na may alopecia

"Because I wanted to save some money, I forced myself to walk from Katipunan Station to my house in Quirino 2-B, but it turned into a nightmare."

"I was on my street when this happened. There was a large white van parked three blocks away from my house, and as usual, I had to pass by it to get home. Suddenly, there was a riding-in-tandem waiting behind the van. One of them got off the motorcycle to point a gun at me and threaten to shoot me."

"I didn’t know what to do because he was trying to grab my cellphone and bag while the other, the rider, was waiting. To prevent me from screaming, he punched me in the stomach. I don’t know how, but I managed to get away and scream for help. Because of that, he hit me on the head with a gun and pushed me until I stumbled. I didn’t get a chance to look for their plate number because my glasses were broken, and I have 500 astigmatism in both eyes. All I can remember was they both wear helmets and black mask."

"When I fell and was bleeding, I quickly got up to run to my house and ask for help. But when I looked back, both the motorcycle and the white van were gone."

Para kay Thomas, isang aral daw ang kaniyang karanasan kaya ibinabahagi niya ito sa lahat.

"LET THIS BE A LESSON TO EVERYONE."

"Don’t resist if you know they have a gun or any other weapon. As much as possible, give them what they ask for. And as a student trying to save money, never skimp on transportation. It’s much safer to commute than to walk."

Wala pang update mula sa mga awtoridad kung nasakote ba ang mga nabanggit na salarin.

Habang isinusulat ang balitang ito ay umabot na sa 3.5k reactions, 1.9k shares, at 248 comments ang nabanggit na FB post.