Nagpasalamat ang human rights lawyer na si Atty. Chel Diokno kay dating Senador Leila de Lima sa hindi raw nito pagsuko sa laban para sa katarungan at katotohanan.
Sinabi ito ni Diokno sa isang X post matapos ibasura ng Muntinlupa City Regional Trial Court (RTC) nitong Lunes, Hunyo 24, ang ikatlo at huling kasong isinampa kay De Lima sa ilalim ng administrasyong Duterte.
“Vindicated! Salamat, @AttyLeiladeLima sa hindi pagsuko sa laban para sa katarungan at katotohanan,” ani Diokno.
“Ito’y patunay na ang katotohanan ay mananaig pa rin ang hustisya sa gitna ng mga kasinungalingan,” dagdag niya.
Kaugnay nito, binigyang-diin ng human rights lawyer na dapat panagutin ang mga nasa likod ng paghahain ng mga akusasyon laban kay De Lima.
“Dapat panagutin ang mga nasa likod ng mga panggigipit at kasinungalingang ibinato sa kaniya,” giit ni Diokno.
“Ang hukuman ay takbuhan ng taumbayan para matamo ang hustisya, hindi ito instrumento para maruming pamumulitika,” saad pa niya.
Kaugnay na Balita:
https://balita.net.ph/2024/06/24/de-lima-kay-duterte-matapos-maabsuwelto-kayo-ngayon-ang-mananagot/
https://balita.net.ph/2024/06/24/pangilinan-sa-pag-abswelto-kay-de-lima-ang-mapait-na-realidad-ay-inabot-ng-mahigit-7-taon/