Nagbigay-babala sa publiko si "It's Showtime" host Amy Perez-Castillo matapos makita ang isang video ng endorsement daw niya ng isang skin care product, kasama ang kilalang doktor-social media personality na si Dr. Alvin Francisco.

Batay sa video, makikitang inedit ang video ni Amy at pinagmukhang nagbibigay ng testament sa pagiging epektibo ng nabanggit na skin care product. na kinokomentuhan naman ni Doc Alvin. Pinagkatuwaan at sinakyan na lang din ng host ang inilagay na edad niya na nasa 60 na siya.

Sey ni Amy:

"WARNING

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

I DON'T USE OR ENDORSE THIS PRODUCT! NINAKAW ANG VIDEO KO AT GINAGAMIT NILA. MAG INGAT PO TAYO! And HELLO di pa ako 60 years old 105 years old na me!"

Ilan sa mga kapwa celebrity ang nagbigay ng komento patungkol dito. Ayon kay Gelli De Belen na rumelyebo sa kaniya noon sa "Face To Face," maging siya ay naging biktima ng ganitong scam.

"@amypcastillo happened to me also!!!!!" sabi ni Gelli.

"grabe talaga," reply naman ni Tyang.

Hanash naman ng mga netizen, dami na talagang scammer at mambubudol ngayon sa social media kaya ibayong pag-iingat na lang talaga ang kailangan at huwag basta-basta maniniwala sa mga nababasa at napapanood dahil puwede nang gawin ang "deep fake" at pagdurugtong-dugtong ng mga video ngayon.

Nilinaw naman ng mga netizen na biktima rin sa paggamit sa scam at pekeng endorsement ang doctor-vlogger na si Doc Alvin Francisco, na matagal na rin niyang sinabi sa publiko. Makikita kasi sa screenshot na ibinahagi ni Amy ang mukha ng doktor. Hindi rin umano si Doc Alvin ang dapat i-call out ni Amy kung sakali.

Hindi ito ang unang beses na ginamit si Amy para sa isang pekeng endorsement. Noong Abril 4, nagbigay-babala si Amy sa gumamit naman sa larawan niya na kunwari ay nagbigay ng testimonial sa isang produkto para sa menopause.

Hindi lang si Amy ang nakararanas nang ganitong modus kundi ang iba pang celebrities gaya nina Ogie Alcasid, Kris Aquino, at iba pa.