Nagpahayag ng suporta si Vice President Sara Duterte para sa LGBTQIA+ community ngayong Pride Month.

Sa isang pahayag nitong Linggo, Hunyo 23, sinabi ni Duterte na ang Pride Month ay nagsisilbing paalala ng kapangyarihan ng pag-ibig laban sa diskriminasyon.

“Pride Month serves as a reminder of the power of love over hate, discrimination, and indifference toward a sector that had historically been subjected to shame, persecution, and inequitable opportunities in life,” pahayag ni Duterte.

“Over the past many years, we have witnessed how we have become a nation that promotes inclusivity, advances the welfare of disadvantaged sectors, and champions the cause for equality.”

National

QC may pa-'graduation rights' sa LGBTQIA+ students na di nakamartsa sa paaralan

“This is a victory for all — not only for those who dreamed of a world without othering — a world where everyone is valued, accepted, and empowered, but also for all of us who toppled down the wall that isolated the LGBT sector and deprived them of recognition, respect, acceptance, and love,” dagdag niya.

Kaugnay nito, hinikayat ng bise presidente ang publiko na itrato ang Pride Month bilang isang pagdiriwang para sa “humanity.”

“Let us take pride in how we stood for the cause of the LGBT sector, especially those that promote our shared values and aspirations as a democracy,” ani Duterte.

“Let Pride Month become a celebration of our humanity. Magtulungan tayo upang tiyakin na ang bawat Pilipino, lalo na ang ating mga kabataan, ay ligtas, tunay na naririnig, at buong pusong kinikilala. Mabuhay ang pag-ibig at pagkakapantay-pantay para sa lahat,” saad pa niya.

Matatandaang nitong Sabado, Hunyo 22, nang ganapin sa Quezon City ang Pride March.

Isang linggo bago nito, ginanap naman ang “Awra Marikina: Rampa ng Pag-ibig at Kalayaan” sa Parang Playground, Marikina City.

https://balita.net.ph/2024/06/16/awra-marikina-rampa-ng-pag-ibig-at-kalayaan-nilahukan-ng-lgbtqia-allies/