Nagdadalamhati ang Kapamilya actress na si Sue Ramirez sa pagpanaw ng kaniyang mahal na lola, na ang tawag niya ay “Mama.”

Sumakabilang-buhay ang kaniyang lola noong nakaraang linggo lamang. Ibinahagi ni Sue sa Instagram ang black and white na larawan kasama ang kaniyang namayapang lola noong childhood niya.

Laman ng Instagram post ni Sue ang buong pagmamahal at pagpapasalamat para sa kaniya.

“Ilang araw na akong nag-iisip kung anong sasabihin. Wala talagang pumapasok sa isip ko. Kung lubusan niyo akong kilala, alam niyo na isa sa mga pinakaimportanteng tao sa buhay ko ay ang lola ko. Si Mama. ♥️ Hindi kailanman magiging sapat ang mga salita para ipaliwanag kung gaano ko siya kamahal at ang pagpapasalamat ko sa kanya."

Pelikula

Barbie Forteza, magkakaroon ba ng pelikula; sinong leading man?

Kahit durog ang puso ni Sue, inalala niya ang mga panahong lagi silang magkasama ng kaniyang Mama.

“Si Mama ang nag alaga sakin habang lumalaki ako, kasama ko palagi nung nagsisimula palang ako. Halos araw araw puyat sa mga taping at trabaho pero kahit kailan hindi ko naringgan na pagod siya o kailanman nagsabi na hindi nya muna ako masasamahan kasi may gagawin siya. Kay Mama ko naramdaman yung feeling na maging #1."

Sa pangyayaring ito, sobrang mami-miss ni Sue ang kaniyang number one supporter.

“Mahal na mahal kita, Mama. Salamat sa napaka-selfless na pagmamahal na ibinigay at itinuro mo sa akin. Habang buhay nang may butas ang puso ko dahil sa pagkawala mo. Habang buhay ko mamimiss na asarin ka at kumandong sayo. Yung boses mo at ngiti mo.”

Hinding-hindi raw makakalimutan ni Sue ang kaniyang Mama kaya naman humiling din siya ng panalangin sa netizens para sa kaluluwa nito.

“The purest form of love that I have ever known. Sobrang swerte ko na naranasan kong mahalin at pahalagahan ng ganito. I will forever keep your memory alive, Ma. Sa isip at sa puso ko hinding hindi ka mawawala.

“May bago akong angel na magbabantay at aalalay sakin. My grandmother passed away last Tuesday. Sana maisingit niyo siya sa mga panalangin ninyo.”