Tuwang-tuwang ibinahagi ni "It's Showtime" host-comedian-dancer Vhong Navarro ang reunion nila ng direktor na si Erik Matti na nagdirehe ng kaniyang pelikulang "Gagamboy."

Means to say, mukhang magbabalik-pelikula na si Vhong matapos ang pamamahinga sa pag-arte sa big screen.

Nakakatuwa dahil bukod kay Direk Erik, kasama rin niya sa larawan ang mga batikang aktor na si Joey Marquez at Joel Torre.

At ang mas kagulat-gulat, kasama rin nila sa larawan si Kapuso star Bea Alonzo, na abala ngayon sa kaniyang seryeng "Widow's War" na inaabangan na rin ng fans niya ang first time na pakikipagbardagulan sa aktingan kay Carla Abellana.

Pelikula

Enchong keri na sumabak sa BL project; bet makatrabaho sina Piolo, Echo, Dingdong, Alden

"Finally! Madi-direk ulit ni Direk Erik Matti since Gagamboy. Maraming salamat sa tiwala! Excited na ako, Direk!" sey ni Vhong sa kaniyang Instagram post.

Nag-react naman ang mga netizen sa posibleng first time na pagtatambal nina Vhong at Bea sa poyektong ito, na hinuhulaan kung comedy-horror ba o fantasy-drama.

"Congrats sir!!! Excited na kami. 😍"

"goodluck and congrats kuys!!"

"Sana magjaroon sila Ng project ni Anne Curtis yun Ang inaantay ko"

"Nice casting, parang di bagay si Bea sa comedy. Walang sense of humor yan eh... baka magdemanda ng libel pag pinagtawanan siya, nakakasirang puri yan sa kanya..."

"Vhong Navarro movies 🔥 lam na"

"Exciting!!"

"aha si Bea pala ang kaparehas ni Vhong.😮"

Samantala, hindi naman nagbigay ng iba pang detalye sina Vhong, Bea, at Direk Erik kung anong proyekto o genre ang gagawin nila.