Inamin ng social media personality na si Vince Flores na malaking hamon daw para sa kaniya ang pagkontrol ng sariling emosyon.

Sa latest episode ng “Toni Talks” nitong Linggo, Hunyo 23, sinabi ni Vince na hindi niya raw magawang bulyawan si Tyronia, anak ng partner niyang si Toni Fowler sa ibang lalaki.

“Ang challenging lang sa akin sobra ngayon, Miss Toni, paano ako magko-kontrol sobra ng emosyon? Kapag sobrang bigat ng kasalanan, hindi mo sila pwedeng bulyawan. Kasi babae, e,” saad ni Vince.

“Hindi mo sila pwedeng duruin, hindi mo sila pwedeng ganunin kasi parang ‘Hala, ginaganto ako ng daddy ko. Ayaw ko ng ganitong pakiramdam,’” wika niya.

Toni Fowler ni-realtalk si Tito Vince: 'Hindi mo anak si Tyronia!'

Kaya ang ginagawa raw ni Vince, humihinga muna siya nang malalim saka ipapaliwanang ang punto niya nang dahan-dahan. 

“Kung tataas man ang boses ko, ita-try ko ulit siyang ibalik nang dahan-dahan. ‘Ganito ‘yong gagawin mo, ganito ang gaganyanin mo. Tulungan natin si Mommy,” aniya.

Matatandaang noong Oktubre 2023 ay nagkaroon ng mainit na komprontasyon sa pagitan nina Toni at Vince matapos sermunan ng huli si Tyronia.

Tila hindi naman ito nagustuhan ni Toni kaya nag-usap silang dalawa ni Vince at sinabi niya sa partner ang lahat ng kaniyang saloobin tungkol sa nangyari.

Pero sa kasalukuyan, ayon sa isang panayam ni Vince, hinahabaan na raw niya ang pasensya lalo na’t kasalukuyang nagdadalang-tao si Toni.

https://balita.net.ph/2024/05/17/vince-flores-hinahabaan-ang-pasensya-di-na-sinasabayan-topak-ni-toni-fowler/