Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang probinsya ng Occidental Mindoro nitong Linggo ng hapon, Hunyo 23, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 1:47 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 29 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Looc, Occidental Mindoro, na may lalim na 11 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

Sen. Bato, isiniwalat na nakiusap siyang dagdagan budget ng OVP: ‘Ayaw tayong pagbigyan!’

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang naturang pagyanig.