Usap-usapan ang social media posts ng mga netizen na dumalo sa isinagawang "Love Laban 2: Pride Festival" sa Quezon City Memorial Circle nitong Sabado, Hunyo 22 ng gabi.

Libo-libong bahagi ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer, Intersex, Asexual plus (LGBTQIA+) community at mga allies nito ang dumagsa sa nabanggit na event para sa "Pride March," bilang bahagi ng pagdiriwang ng Pride Month ngayong Hunyo.

Bukod sa dagsa ng mga tao, hindi rin natuloy ang performance ng iba't ibang guests lalo na ang pinakaaabangang sikat na all-female Pinoy Pop (PPop) Group na BINI dahil sa malakas na buhos ng ulan.

Samantala, marami naman sa mga "beks" na dumalo sa nabanggit na event ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa social media dahil karamihan daw sa mga dumalo ay "straight," "homophobic," at nagpunta lang para makapanood ng free concert at masilayan ang BINI.

Events

Rampapayag kaya? Michelle Dee hinihiritang sumali sa Miss Grand International 2025

Suhestyon ng marami, sa susunod daw ay "surprise guests" na lang ang mga iimbitahang celebrity para hindi masyadong dumagsa ang mga pupunta dahil nawawala raw ang purpose ng event.

"unpopular opinion: pride march could’ve been better if the concert line-up was hidden. for sure, attendees would have been there for the protest rather than the free concert. anyway, i hope everyone is safe and well!"

"Nakakadismaya na ang daming straight at homophobic pa na pumunta, hindi para maki-celebrate, kundi para lang makita ang BINI. WTF?"

"Nakakaloka na mga straight at homophobic yung pumunta sa isang event na para sa amin?"

"the fact na hindi na nakapasok ang ilan sa mga nagparade says so much (sad face) ang dami ring tweets about discrimination DURING OUR OWN CELEBRATION. It’s just so sad. I am grateful sa organizers and artists, but I guess this is now a learning experience."

"Naririnig ko 'yong mga katabi ko, nagpunta lang daw sila para makita ang BINI. Nakakaloka."

"sa susunod nga wag na sabihin kung sino mga guest performers"

"Next year change venue na siguro. QC Circle can no longer accommodate the mass attendees of Pride March. Andami na hindi na nakapasok from the parade."

"TANGINA BAT MAY MGA BATA SA PRIDE MARCH??? TAPOS DAMI PANG STRAIGHT MEN NA NANUNULAK NA HALATANG BINI LANG ANG PINUNTA. AT YUNG ILAN NICATCALL PA KAMI NG GIRLFRIEND KO. DAFUQ GAMIT NA GAMIT SI ANGER TODAY, FIRST PRIDE MARCH NAMIN TO NYETA."

"Yung pumunta lang kayo sa concert para manood, hindi para maki-celebrate. Worse, nilalait pa ang mga bekz. Hindi kayo welcome dito!"

"TO THE ORGANIZERS SANA NXT TIME SURPRISE NLNG YUNG IBANG SPECIAL GUEST LALO NA PG MADAMING FANS LIKE 'Bini' NAWALA KASI ESSENCE NG PRIDE MONTH, YUNG MGA IBA PUMUNTA LNG PARA SA IDOL IBA MGA TAS ENDING KUNG SINO PA PART NG COMMUNITY AT NAKI JOIN SA PARADE HINDI NA PINAPASOK NG LOOB NG CIRCLE ANG SAD LANG. AT DAPAT READY KASI ALAM NAMAN NA TAGULAN EH EXPECT NA POSSIBLE TLAGA UMULAN. ANYWAY HAPPY PRIDE."

Samantala, naglabas naman ng opisyal na pahayag ang pamunuan ng Pride PH kaugnay sa pagkansela nila ng free concert dahil sa malakas na ulan.

https://