Naglabas ng opisyal na pahayag ang lokal na pamahalaan ng Quezon City at pamunuan ng Pride PH kaugnay sa isinagawang "Love Laban 2 Everyone Pride Festival 2024" na ginanap sa Quezon City Memorial Circle nitong araw ng Sabado, Hunyo 22.

Matapos ang Pride March, speech, at performance ng ilang sikat na personalidad, hindi natuloy ang performance at appearance sana nina Vice Ganda, Juan Karlos, Labajo, at BINI dahil sa malakas na buhos ng ulan.

Isinaalang-alang daw ng pamunuan at ng lokal na pamahalaan ang kaligtasan ng performers at maging ng attendees.

Tinatayang lagpas sa 200,000 katao ang nagtungo upang makiisa sa nabanggit na event, na lagpas daw sa kanilang inaasahan.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

Kahit na hindi natuloy ang free concert ay mananatili naman daw ang "Pride" araw-araw.

"Gusto naming magpasalamat sa lahat ng nakiisa ngayong Love Laban 2 Everyone Pride Festival.

Maraming salamat din sa pagiging disiplinado kaya naging maayos at ligtas ang ating programa simula kaninang umaga."

"We are proud of our community along with the many allies that have joined us dahil ipinakita natin ang ating good behaviour and also our resolve. We will need more of this show of force and love letter to national leaders in the crucial 6 months na kakailanganin natin ang lakas at suporta ng isa't isa para sa SOGIE Equality Bill at para makamit ang pangarap nating lipunang may pag-ibig at pagkakapantay-pantay."

"Nais naming ipagbigay alam na nakompromiso ang electrical at sound system sa stage nang dahil sa malakas na ulan at posibleng makapinsala sa mga crew at mahal nating performers."

"Dahil dito napagdesisyunan ng mga organizer na unahin ang kapakanan at kaligtasan ng lahat at tapusin nang maaga ang programa ngayong gabi."

"Ang magandang balita: lumagpas pa sa ating target na 200,000 ang nakiisa sa ating Pride Festival."

"Hindi po ito ang pagtatapos ng ating laban. Ang Pride ay pang-araw-araw, at marami pang pagkakataon na tayo ay muling magsasama-sama.

Samantala, sa comment section ng post ay nagpahayag ng pagkadismaya ang mga netizen dahil karamihan daw sa mga nagpunta sa event ay gusto lamang manood ng free concert at makita ang sikat na all-female P-Pop group na BINI.

Mungkahi nila, sana raw sa susunod ay huwag nang i-anunsyo kung sino-sino ang mga pupuntang guest performers upang hindi sila ang maging dahilan kung bakit pupunta ang mga tao.

"TO THE ORGANIZERS SANA NXT TIME SURPRISE NLNG YUNG IBANG SPECIAL GUEST LALO NA PG MADAMING FANS LIKE “Bini” NAWALA KASI ESSENCE NG PRIDE MONTH, YUNG MGA IBA PUMUNTA LNG PARA SA IDOL TAS ANDAMING MGA STRAIGHT NA BAGETS IBA JEJE PA AT HALATANG PRA LNG SA IDOL PINUNTA HINDI PRA SA PROTESTA NG COMMUNITY. TAS ENDING KUNG SINO PA PART NG COMMUNITY AT NAKI JOIN SA PARADE HINDI NA PINAPASOK NG LOOB NG CIRCLE ANG SAD LANG. AT DAPAT READY KASI ALAM NAMAN NA TAGULAN EH EXPECT NA POSSIBLE TLAGA UMULAN. ANYWAY HAPPY PRIDE."

"Next time wag na kayo kumuha ng mga sobrang sikat na group at singer kasi ng pupuntahan lang naman yung iba dahil lang sa kanila, grabe yung mga kabataan na hindi naman pride march ang pinunta, understand ko pa yung isang buong pamilya kasi baka hindi nila alam na may event pero yung siksikan ng dahil sa mga kabataan na 10yrs up para lang sa libreng concert. Hindi ko feel yung event para sa mga LGBTQ+ PS may narinig ako na may na discriminate na gay na naka cosplay."

"Hindi naman po sa ano pero nakaka disappoint lang ngayong year. We know naman na mas marami, mas masaya pero the fact na pumunta lang sila just for the performers haha. Mga proud na proud pa and na observe ko lang din kanina, andaming mga maliliit na bata and may sanggol panga nakita ko, SUGGEST LANG if may performers kayo siguro, gawin nyo nalang SURPRISE. Kase ako as a member of LGBTQIA+ hindi ko siya gaano na enjoy. Kase yung puro paligid ko naririnig kolang is "BINI" pati rin sa live may nagsasabe panga na 'wag na yang mga b@ding nayan yung bini nalang' like parang feeling ko half ng crowd kanina, pumunta lang just for BINI. Alam naman namin you want us to be happy, but still nakaka disappoint lang din and hindi masiyado na enjoy ng iba ang ORIGINAL NA PRIDE MARCH FESTIVAL. Unlike lastyr, mas bet ko lastyr, no offense kase na enjoy namin ng so much and talagang andon ang mga tao para magbigay ng boses, hindi lang dahil sa mga performers. ALSO PLEASE SANA MA HANDLE NG MAAYOS ANG MGA CROWD BECAUSE EXPECTED NA MARAMI ANG PUPUNTA DAHIL SA MGA PERFORMERS NA NABANGGIT NIYO:) Happy Pride guys! I hope nextyr maayos na:)."

"Disappointed, not happy pride for me. Kasi, 'yung iba nakikipride march lang, pero ang habol is BINI lang talaga, mga nambabato pa, nanunulak, sana sa susunod wala ng ganitong eksena."

"Medyo nawala na yung totoong 'pinaglalaban.' Sa dami nang wala namang alam sa Pride o baka nga yung iba homophobic pa pero gusto lang makalibreng concert, mas sila pa ata yung naka pasok. Sad. Bawi na lang tayo sa mga susunod pa."

Sa kabilang banda, may mga pumuri din naman sa event at sulit naman daw ang kanilang karanasan, kahit na sila ay dumayo pa sa malayo para lamang makiisa sa Pride event.

"Sa lahat ng mga nakasabay ko sa siksikan na pila at gitgitan, kahit maulan thank you at kahit wala ako kasama ang saya padin. First pride night ko sana to kaso d nakiayon but thank you padin naka uwi ng safe. Shout out sa mga kasama ko nakuha pang mag selfie sa gitna ng ulan. Paramdam kayo kung nandito kayo haha."

"Worth it ang pagod! Di naman natin hawak ang timpla ng panahon ang importante naririnig nila ang ingay at sigaw nating lahat! Yakap ng mahigpit mga acla! Love laban."

"worth it un kulitan namin sa ulan kahit basang basa lagi natin tatandaan na ang PRIDE ay PROTEST to call for our rights"

"congratulations! from 10am to 7pm event with thousands of people is a very much successful event. malayo na talaga ang narating ng SOGIE Equality Bill at di na malabong maipasa na in the future."

"Worth it yung pagkabasa namin sa ulan! 🏳️‍🌈 Grabe yung mahigit 200,000 attendees! 💪 Happy Pride! 🏳️‍🌈💜"

"It was a beautiful disaster though ❤️❤️ Happy Pride Month!!!"