Ibinahagi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos, Jr. ang pananaw niya hinggil sa power o kapangyarihan.

Sa latest episode ng vlog ni Kapamilya broadcast-journalist Bernadette Sembrano nitong Sabado, Hunyo 22, sinabi ni Abalos na ang kapangyarihan ay pansamantala lamang sa lahat ng bagay.

“Maikli ang panahon kaya kung titingnan mo maski ever since ang work ethics ko kung magtrabaho ako, gano’n ko na lang ibuhos. Dahil alam ko habang nandirito ako, sayang ang oportunidad na ibinigay,” saad ni Abalos.

“Maski no’ng Mayor ako, sabi ko 3 years ang term ko, ibubuhos ko na ‘to. Tapos naging congressman ako, sayang ‘to ibubuhos ko na ‘to…dahil alam kong maikli lang ang panahon,” wika niya. 

National

Benhur Abalos, sinariwa huling sandali ng ina

Dagdag pa ng DILG Secretary: “And people should look at it that way. Because power kung sakaling ibinigay sa ‘yo, it’s only temporary sa lahat ng bagay.”

Samantala, sa isang bahagi naman ng panayam ay sinariwa ni Abalos ang mga huling sandali ng kaniyang nanay bago tuluyang pumanaw noong kasagsagan ng pandemya.