Nagpaabot ng mensahe ang social media personality na si Rendon Labador para sa mga taong may galit sa kaniya.

Sa latest Facebook post ni Rendon nitong Sabado, Hunyo 22, sinabi niya na mahal daw niya at wala siyang ibang hangad kundi ang kabutihan ng mga ito. 

Ayon sa kaniya: Sa mga taong galit sa akin, gusto kong malaman ninyo na mahal ko kayo at wala akong hinahangad kundi ang ikabubuti ninyo.”

“Hindi ako mayaman at hindi din ako pulitiko, ako ay ordinaryong mamamayan lang na gusto kayong gisingin sa katotohanan,” sulat niya.

Tsika at Intriga

Kathryn dinagsa ng fans sa airport: naikumpara sa BINI?

Dagdag pa ni Rendon: “ Andito lang ako bilang kuya na paulit ulit kayong ipaglalaban hanggang sa dulo. #LabLabLabador ❤️”

Matatandaang kamakailan lang ay tila emosyunal pa siya matapos silang ideklara ng mga kagrupo niya na persona non grata sa probinsiya ng Palawan. 

MAKI-BALITA: Rendon, mas gustong bumagsak at bumaba: ‘Para makita ko ‘yong mga totoo!’

Nag-organisa kasi sila ng charity event sa bayan ng Coron at nagkaroon ng mainit na komprontasyon sa pagitan niya at ng isang kawani ng lokal na pamahalaan.

MAKI-BALITA: Rendon, Rosmar at Team Malakas nag-sorry sa nangyari sa Coron

MAKI-BALITA: Rendon, Rosmar inulan ng batikos dahil sa ‘komprontasyon’ sa Coron