"Same, Donna, same!"

Tila naka-relate ang maraming netizens sa komedyanteng si Donna Cariaga matapos ihambing ang sariling larawan sa trending na larawan ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera para sa Cinemalaya movie na "Balota," na mapapanood na sa Agosto.

Matatandaang una nang napaulat sa Balita na tila "nainis" ang mga netizen kay Marian batay sa inilabas na larawan ng GMA Network para sa teaser ng kaniyang pelikula.

Makikita sa larawan na habang nakasuot si Marian ng unipormeng pangguro ay tila nanlilimahid siya at may bahid pa ng dugo sa mukha, na nagpapakita ng patikim kung tungkol saan ang nabanggit na pelikula.

Pelikula

Enchong keri na sumabak sa BL project; bet makatrabaho sina Piolo, Echo, Dingdong, Alden

Napansin naman ng mga netizen na kahit marusing siya ay litaw na litaw pa rin ang kaniyang kagandahan.

Maging ang aktres at politiko na si Aiko Melendez ay napakomento rin.

"Ang ganda pa dn niya," anang Aiko na kasama sa cast ng "Pamilya Salgado."

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Kahit gusgusin lutang parin Ang Ganda ni Queen Marian Rivera."

"No make up Pero maganda padin Sana all"

"Maganda pa rin siya, nasan ang hustisya."

"Sana all na lang talaga. Kahit ganyan hitsura niya maganda pa din. Ako naligo na, nagmake up na't lahat mukha pa din gusgusin."

"The picture says all.. Inambush mga tagabantay balota mukhang maganda nga.."

"Ang ganda pa din ni Marian kahit madungis pag ako yan napagkamalan na akong taong grasa."

Sa kaniyang Facebook post naman, itinabi ni Donna ang kaniyang larawan sa larawan ni Marian. Sa kaniyang larawan, makikitang maayos at malinis ang hitsura niya, pero ang tila nais niyang ipahiwatig, mas maganda pa rin si Mrs. Dantes sa kaniya.

"minsan mapapatanong ka na lang talaga eh…" caption ni Donna sa kaniyang Facebook post.

"I see u [Haha] reactors."

"Dinodogshow niyo na naman ha HAHAHAHA" pangunguna ni Donna sa mga netizen.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Ang ganda talaga ni marian!"

"Iba talaga kapag natural na isinilang na maganda."

"Kahit madumi damit ni marian ang ganda parin iba talaga pag ipinanganak kang maganda"

"Parang wala namang pinagkaiba"

"maganda ka nman donna di lang tlga halata..kumbaga nasa loob ang iyong ganda."

MAKI-BALITA: Gusgusing Marian Rivera, ‘kinabuwisitan’ ng netizens: ‘Ang ganda pa rin!’

Si Donna ay nakilala matapos manalo sa "The Funny One" segment ng "It's Showtime" kung saan kasama siya sa cast member ng Balota.