Ipinagtanggol at pinuri ng beauty queen-turned-actress na si Cindy Miranda ang Kapuso actor-director na si Xian Lim na hanggang ngayon ay binibira pa rin ng bash sa social media kaugnay ng hiwalayan nila ni Kapamilya actress-TV host Kim Chiu.

Sa media conference ng directorial movie project ni Xian na "Kuman Thong," inilarawan ni Cindy si Xian bilang "cool" at "hands on" na direktor.

Nawala raw ang impresyon niya kay Xian nang makatrabaho na siya.

"Marami akong naririnig tungkol kay Xian kasi never ko pang nakatrabaho si Xian. You know, ako nakakabasa ako ng mga write ups tungkol kay Xian. Well, may mga bad, you know, sa mga issues po. Ako rin po, tinanong ako ng mga boss sa Viva, 'How's Xian?' He's okay. He's very cool, very hands-on siya,” tugon ni Cindy.

Pelikula

Fans, nanawagang i-remake ng JoshLia ang pelikulang 'Dahil Mahal Na Mahal Kita'

Napansin din ni Cindy na very passionate daw si Xian sa kaniyang mga ginagawa. Hindi rin niya aniya nakitang uminit ang ulo nito kahit maalinsangan ang panahon sa Thailand, sa panahon ng kanilang shooting.

"Pagdating po do’n sa Thailand, hindi po siya nagalit. Never ko po siyang nakitang nagalit. As in never uminit ang ulo niya kahit sobrang init. Kasi nakakainit po talaga ng ulo ang init sa Thailand,” aniya.

Samantala, wala naman si Xian sa nabanggit na presscon dahil may prior commitment daw siya.