Naantig ang damdamin ng mga netizen sa isang viral Facebook post kung saan makikita ang isang batang lalaking may hawak na maliit na plastik na palanggana, na may mga supot ng popcorn at sukbit niya ang isang body bag kung saan nakasakay ang isang puting tuta.

Saad sa caption ng Facebook post ni "Pobreng Echoi," ang batang lalaki sa larawan ay nagtitinda raw ng popcorn sa kalsada para may pambili ng pagkain sa kaniyang alagang tuta.

"This boy sells popcorn 🍿 to buy food for his dog❤️" mababasa sa caption.

"Teach them to be kind to animals and they will grow up to be kind to people too.☺️"

Kahayupan (Pets)

Bus driver na isinakay asong nalilito at muntik masagasaan sa kalsada, sinaluduhan

Disclaimer ng uploader, hindi siya ang may-ari ng mga larawan at nakita lang din niya online, subalit tila marami sa mga netizen ang nais malaman kung saan matatagpuan ang nabanggit na bata upang bigyan o abutan ng tulong.

Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa 69k reactions, 19k shares, at 961 comments ang nabanggit na Facebook post.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!