Nagpasalamat si Comedy Queen Ai Ai Delas Alas sa mag-asawang Julius at Christine Bersola-Babao matapos siyang kapanayamin kaugnay ng mga binitiwan niyang pahayag laban sa Star Cinema, kaugnay sa isyu ng niluluto sana niyang reunion movie para sa "Tanging Ina."

Dahil sa interview na iyon, marami raw nagpadala ng mensahe sa kaniya at parang minahal daw ulit siya ng mga tao.

"Daming positive comments and madaming nag text and nag message saken pati sa personal parang bigla nilang mahal ulit," aniya sa kaniyang Facebook post.

"You shouldn't judge someone or something based only on what you see on the outside or only on what you perceive without knowing the full situation. Nakakatuwa nga after the interview madaming naliwanagan sa buhay nila anong klaseng tao ba ako at ano ang mga totoong nangyare sa buhay ko na ako lang nakaka alam , at bilang sa pamilya ko... syempre wala naman makakalampas sa CCTV ni LORD at ng mahal na Birheng Maria.. kaya sa bandang huli may gift ako .. eto gift of peace and happiness sa buhay ko at ng pamilya ko. Sa part na to may magandang dulot din ang social media 💚," caption naman niya rito.

Tsika at Intriga

Andrea Brillantes, wapakels sa mga pumupuna sa braso niya

Nag-ugat ang lahat nang mabalitaan daw ni Ai Ai na may taga-Star Cinema raw ang nagpapa-take down sa nauna nang inilabas na artikulo ng ABS-CBN News kaugnay sa pakikipag-ugnayan daw niya sa movie outlet ng ABS-CBN para muling maipalabas ang Tanging Ina.

Dito ay naging diretsahan ang pagtatanong ni Ai Ai kung anong masama sa ginawa niya, at kung bakit kailangan pa itong ipa-take down.

"Alangan namang magtanong ako sa Regal, sa Viva, o kaya sa Seiko Films. E, ang Star Cinema naman ang gumawa ng ‘Tanging Ina.' Saka ako naman ang ‘Tanging Ina’ do’n ‘di ba? So anong masama kung magtanong ako? At saka ano namang masama kung mabalita ‘yon? Masama ba ‘yon? 'Di ba nagtatanong lang naman ako. Or baka inassume ko lang ito, na ayaw n’yong ma-associate sa akin? Bakit? Pinagkakitaan n’yo naman ako dati sa Star Cinema, ‘di ba? Masama ba ‘yon? At saka sobrang nakapagtataka. Minamaliit n’yo ako, gano’n? So, tama na. O, edi hindi na. ‘Wag na nating gawin... Iba na lang. Ibang pelikula na lang. O, eh 'di sa inyo na ‘yan!" saad ni Ai Ai.

Samantala, sina Julius at Christine ay mga dating news anchors sa ABS-CBN na ngayon ay pareho nang nasa TV5.

MAKI-BALITA: Isyu ni Ai Ai sa Star Cinema noong 2015, inungkat ng ilang netizens

MAKI-BALITA: Ngitngit ni Ai Ai sa Star Cinema: ‘Pinagkakitaan n’yo naman ako dati!’

MAKI-BALITA: Ai Ai, pumalag: Balita tungkol sa ‘Tanging Ina’ reunion, pinapabura ng taga-Star Cinema?