Magsasagawa ng road closure ang Maynila ngayong Hunyo 22 at Hunyo 23 para sa inagurasyon ng Pasig River Esplanade.

Sa isang pahayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), isasara ang Intramuros - Binondo Bridge Northbound sa Sabado, Hunyo 22, alas-12 ng madaling araw.

Metro

Presyo ng manok, papalo ng ₱250 kada kilo

Sa araw naman ng Linggo, isasara ang mga sumusunod na kalsada:

•Intramuros – Binondo Bridge Southbound

•Magallanes Drive -Mula Plaza Mexico hanggang Jones Bridge

•Plaza Lawton -Mula Jones Bridge hanggang McArthur Bridge

Inaabisuhan ng MMDA ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.

“Traffic will also be rerouted at the following areas: Proceed to Padre Burgos Avenue, then turn right to Katigbak, turn right to Bonifacio Drive, straight to Anda Circle to point of destination.”