Tila emosyunal pa rin ang social media personality na si Rendon Labador matapos silang ideklarang persona non grata ng grupo niyang Team Malakas sa probinsya ng Palawan.

Sa latest Facebook post ni Rendon nitong Huwebes, Hunyo 20, naghayag siya ng sentimyento tungkol sa totoong kulay ng iba kapag ang isang tao ay nasa lowest point kaniyang buhay.

Ayon sa kaniya: “Madaming tao ang sasama lang kapag nasa taas ka at iiwan ka kapag nasa baba ka.”

Trending

Rendon, Rosmar idineklarang persona non grata sa buong Palawan

“Kaya madalas mas gusto kong bumabagsak at bumababa, para makita ko ‘yong mga totoong kulay ng mga tao sa paligid ko,” dugtong pa niya.

Bago pa man ito ay may nauna nang reaksiyon si Rendon kaugnay sa naturang isyu. Humingi na rin sila ng paumanhin dahil sa mainit na komprontasyon sa isang babaeng kawani sa munisipyo ng Coron, Palawan.

Matatandaang ibinahagi rin ng isang kasapi ng Sangguniang Bayan ng nasabing lugar ang kopya ng isang resolusyon upang ideklarang persona non grata ang buong grupo sa Coron matapos nilang iorganisa rito ang isang charity event

https://balita.net.ph/2024/06/18/rendon-rosmar-at-team-malakas-nag-sorry-sa-nangyari-sa-coron/

https://balita.net.ph/2024/06/16/rendon-rosmar-inulan-ng-batikos-dahil-sa-komprontasyon-sa-coron/