Nagluluksa ngayon si Vivamax actress Sunshine Guimary dahil sa pagpanaw ng asawa niya nitong Huwebes, Hunyo 20.

Ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal o PEP, heart enlargement umano ang sanhi ng pagkamatay ng mister ng aktres.

Sa latest Instagram story ni Sunshine, makikita ang mga larawan nila ng mister niya noong kasal habang sa huli naman ay ang larawan kung saan makikita siyang nakadungaw sa kabaong nito.

“See you soon babe 💔” saad ni Sunshine sa caption ng post.

Relasyon at Hiwalayan

Kylie, natutuhang pagkatiwalaan ang sarili dahil sa bagong jowa

Nagpaabot naman kay Sunshine ng pakikiramay ang ilang kasamahan at kaibigan niya sa showbiz industry. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Janno Gibbs: "Condolences @sunshine_guimary He was a good man"

Chynna Cipriano: "Our deepest condolences @sunshine_guimary We will keep you in our prayers.. 😢😢😢"

Paul Jake Castillo: "Condolence. RIP."

Alessandra De Rossi: "Nakikiramay sis. 🙏🏻🙏🏻🙏🏻💔💔"

Ryza Cenon: "Our deepest condolences @sunshine_guimary We will keep you in our prayers.. 😢😢😢"

Matatandaang noong nakaraang taon naman ay pumanaw ang ama ni Sunshine dahil umano sa leukemia.