Kinumpirma ni dating Vice President Leni Robredo na hindi siya tatakbo bilang senador sa midterm elections sa 2025.

Sa panayam ng mga mamamahayag sa Naga City nitong Biyernes, Hunyo 21, sinabi ni Robredo na nagpaalam na siya sa Liberal Party na hindi siya tatakbo para sa Senado.

Ayon kay Robredo, ang "preference" daw niya ay ang pagtakbo bilang alkalde ng Naga City sa paparating na midterm elections.

Matatandaang nito Huwebes, Hunyo 20, nang nauna nang ipahayag ni LP President Albay 1st district Rep. Edcel Lagman na tatakbo si Robredo bilang mayor ng Naga City.

National

Ex-VP Leni, tatakbong mayor ng Naga City – Lagman

“Ang last namin na pag-uusap siya ay tatakbong mayor ng Naga City upang ipagpatuloy ang programa ng kaniyang late husband,” ani Lagman.