Inihayag ni dating Senador Kiko Pangilinan na hanggang ngayon ay nananatili silang “nagkakaisa, solid at united” ni dating Vice President Leni Robredo.

Sa isang X post nitong Biyernes, Hunyo 21, nagbahagi si Pangilinan ng ilang mga larawan kasama si Robredo habang nasa Pangasinan at Cavite raw sila.

Makikita rin sa isang larawan na kasama nina Robredo at Pangilinan ang human right lawyer na si Atty. Chel Diokno at dating Senador Bam Aquino.

“Ewan ko sa kanila basta kami ni VP Leni heto sa Pangasinan at Cavite nagkakaisa, solid at united pa rin!. Tuloy lang,” ani Pangilinan.

National

VP Sara sa pagbibitiw bilang DepEd Secretary: ‘Hindi lulan ng kahinaan’

Matatandaang tumakbo si Pangilinan bilang bise presidente ng Pilipinas noong 2022 national elections, kung saan si dating presidential aspirant Robredo ang naging running mate niya. Tinatawag ang kanilang mga tagasuporta na “Kakampinks.”

Nakalaban nina Robredo at Pangilinan ang naging mag-tandem na sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte, na tumakbo naman sa ilalim ng ticket ng “UniTeam.”

Kaugnay nito, matatandaang naging usap-usapan kamakailan ang naging pagwawakas umano ng UniTeam matapos magbitiw ni Duterte bilang kalihim ng Department of Education (DepEd) at miyembro ng gabinete ni Marcos.

https://balita.net.ph/2024/06/20/pagbibitiw-ni-vp-sara-bilang-deped-sec-wakas-ng-uniteam-lagman/

https://balita.net.ph/2024/06/19/uniteam-dissolved-na-harry-roque-nag-react-sa-pagbibitiw-ni-vp-sara/