Ibinahagi ng GMA News anchor na si Arnold Clavio ang pagsailalim niya sa physical therapy matapos siyang ilipat sa regular room ng St. Luke Medical Hospital.

Sa isang Instagram post ni Arnold nitong Huwebes, Hunyo 20, ipinaliwanag niya kung bakit kailangan niyang sumailalim sa physical therapy.

“Dahil sa pagdurugo ng left side ng aking utak, na nagdulot ng hemorrhagic stroke, nagresulta ito ng pamamanhid ng kaliwang bahagi ng aking katawan. Natigil kasi ang normal na pagdaloy ng dugo at ang nadale na bahagi ng utak ay ang ‘thalamus’ area,” saad ni Arnold..

“Ang pangunahing tungkulin ng thalamus ay ang maghatid ng mga motor at sensory signal sa cerebral cortex. Kinokontrol din nito ang pagtulog, pagkaalerto, at pagpupuyat,” aniya.

Arnold Clavio, nakitaan ng 'slight bleeding' sa kaliwang bahagi ng utak

Kaya naman, tinuruan daw siya ni Arnold ng physical therapist niya ng iba’t ibang ehersisyo sa braso, binti, at paa para unti-unting bumalik sa normal ang kilos niya at galaw

Ayon pa sa kaniya, inaasahan umanong tatagal ng isang buwan hanggang anim na linggo ang kaniyang rehabilitasyon. 

Samantala, iminungkahi naman ni Arnold sa mga kapuwa niya nakaranas ng stroke na sundan ang mga ehersisyong ipinagawa sa kaniya ng physical therapist niya upang muling bumalik ang sigla sa kanilang katawan. 

“Sama-sama nating malalagpasan ang pagsubok na ito sa tulong ng inyong mga panalangin at sa makapangyarihan na pangalan ni Hesus. Amen,” pahabol pa niya.

Matatandaang nauna nang ibinahagi ni Arnold ang tungkol sa kaniyang pagkakaospital matapos umanong makaramdam ng matinding pamamanhid sa kanang braso at binti.

Gayunman, sa kabila ng nangyari ay hindi na raw niya kailangan pang operahan dahil naman daw tumabingi ang mukha niya at nabulol ang pagsasalita.

https://balita.net.ph/2024/06/15/arnold-clavio-di-na-kailangang-operahan/