Arestado ang apat na indibidwal na sangkot umano sa iligal na droga sa Barangay Dau, Pampanga nitong Huwebes ng gabi, Hunyo 20.

Kinilala ng  Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region III ang mga naaresto na sina Jobelle Macaraeg Lariza, 31; Rederick Ragon Mercado, 53; Mark Gil Bangit Garcia, 27; at Jeffrey Pineda Siron, 44 na pawang mga taga-Mabalacat City.

Probinsya

Ibang pasabog yata? Granada, pasalubong ng senglot na mister kay misis

Nasamsam mula sa kanila ang 10 piraso ng heat-sealed plastic sachets na naglalaman ng 14 gramo ng shabu, iba’t ibang uri ng drug paraphernalia, at marked money.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.