Tila marami sa mga kaanak ng Overseas Filipino Workers (OFW) ang naka-relate sa viral TikTok video ng isang nagngangalang "JM Abines" matapos niyang itampok ang isang babae, na mahihinuhang kaanak niya. na hindi na lumingon sa kanilang mga naghatid habang papasok na sa loob ng paliparan.

"Totoo nga na hindi na sila lumilingon kapag papasok na sa airport," mababasa sa text caption ng video.

Makikita naman sa video ang isang babaeng nagtutulak ng kaniyang mga bagahe papasok ng airport. Mapapansing hindi na nga ito lumingon o kumaway man lamang sa mga kaanak na naghatid sa kaniya.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"This is legit. Ayaw na nilang lumingon kasi masasaktan lang sila kapag lumingon pa sila..."

"same with my mom, but she looked back only to see her crying."

"I will forever hate airport goodbyes."

"airport is the happiest and the saddest place"

"Airports see more sincere kisses than wedding halls. The walls of hospitals have heard more prayers than the walls of churches."

"Because it is awfully painful to leave family behind. If you look back, you have very high chance to breakdown."

"When my brother decided to pursue his dreams, he never once looked back. I know him, the moment he turns around, it'll be a crying contest."

Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa higit 3M views ang nabanggit na TikTok video.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!