Usap-usapan ng mga netizen ang ibinahaging larawan sa Instagram story ni Trina Candaza, ex-partner ni Carlo Aquino, kasama ang isang naka-shades na lalaki.

Kahit may eyewear ang lalaki, mababakas na good-looking ito at mas matangkad pa kay Trina, kaya espekulasyon ng mga netizen ay kung nakatagpo na ba siya ng bagong pag-ibig.

Photo courtesy: Trina Candaza (IG) via fashion Pulis

Ngunit sa isa pang Instagram story at tila na-confuse ang mga netizen kung bago ba niya itong boyfriend o kapatid, batay sa caption.

Tsika at Intriga

Baron Geisler, tinantanan na ang anak kay Nadia Montenegro

"Our two little bros planning kung anong next kalokohan," ayon sa text caption ni Trina, kalakip ang isang video ng dalawang lalaking nasa dalampasigan, habang ang isa ay nakasakay sa isang sasakyan. Isa rito ay ang kasama ni Trina sa inintrigang larawan. Naka-tag ito sa Instagram accounts ng dalawang lalaking tinukoy.

Sa Instagram account naman ni @harjich, shinare din niya ang Instagram story ni Trina at tinawag siyang "Ate."

"Where next ate Trina?" saad nito.

Photo courtesy: @harjich (IG)

Kung titingnan ang Instagram profile ng lalaki, mahihinuhang may lahing dayuhan ito at hinirang na Mr. STI Caloocan 2023, batay sa mga post nito.

View this post on Instagram

A post shared by Jit (@harjich)

Si Carlo Aquino na ex-partner ni Trina ay kakakasal lang sa Kapamilya actress at Gawad Urian 2024 Best Actress Charlie Dizon.

MAKI-BALITA: ‘Grabe ang timing!’ Charlie best actress na, Mrs. Aquino pa

MAKI-BALITA: Charlie Dizon, Carlo Aquino ikinasal na!

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Trina patungkol sa pinag-usapang larawan nila ng lalaki.