Hindi pa rin makapaniwala si SB19 lead vocalist Stell Ajero sa oportunidad na dumapo sa kaniya matapos mag-trend, palakpakan, at hangaan ang kaniyang performance ng "All By Myself" sa concert ng international hitman na si David Foster sa Smart Araneta Coliseum noong Hunyo 18.

Ang nabanggit na concert ay may titulong "Hitman David Foster and Friends Asia Tour 2024" kung saan sinasabing opening performance lang daw dapat si Stell, at ang pag-awit niya ng All By Myself ay impromptu lamang.

MAKI-BALITA: Next Charice? Stell ng SB19, ‘na-stell’ ang spotlight sa concert ni David Foster

Isinalaysay ni Stell na hanggang ngayon ay shocked pa rin siya sa mga nangyari dahil biglaan lang daw ito, matapos siyang tanungin mismo ni David kung bet niyang kantahin ang awitin. Pakiramdam nga raw ni Stell ay para lang siyang nag-audition, pagkatapos ay isinalang na kaagad siya sa concert. Isang pambihirang oportunidad daw ang dumating kaya sino ba naman daw siya para tanggihan ang isang David Foster.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kitang-kita naman sa performance ni Stell na nagustuhan ito ng hitman dahil napa-wow ito sa kaniya, kagaya sa naging performance noon ni Charice.

MAKI-BALITA: Sinong mas magaling? Stell at Charice, pinagkukumpara sa ‘All By Myself’

Buong Facebook post ni Stell:

"I’m still shocked. Hindi pa rin ako makapaniwala na nabigyan ako ng ganitong opportunity to perform on stage with the hitman, Mr. David Foster. So pag akyat ko ng stage dapat mag soundcheck na ako for my spot, pero nagulat ako Sir David is playing the piano. Then he ask me kung suot ko na inears ko kasi pwede daw namin itry yung song. Nagulat ako sabi ko sa utak ko “what song?” So na pa “huh” ako then sabi niya all by myself give it a try daw. Bilang lutang ako sa sobrang gulat kinanta ko lang siya kung pano ko siya kinakanta. After iplay yung arrangement nung song sabi niya “do you want to perform this song tonight?” nasabi ko nalang “if it’s ok with you sir” biglang BOOOM ayun na ang nangyare 😭 Para akong nag audition talaga. Namanifest ko yata. Grabe ‘yung kaba ko. Akala ko pinatry nya lang sa’kin. Syempre sino na naman ako para tumanggi diba? Minsan lang yung ganong pagkakataon kaya Binigay ko talaga yung best ko. Pagkatapos kong magperform, grabe din sigawan ng team and staff sa likod! Para kaming nanalo sa contest tapos talon kami ng talon. Grabe.

Ayun lang. Ang haba ng kwento pero solid ang experience. Thank you sa lahat ng sumuporta. Thank you Sir David Foster and to the whole team. Sana nagustuhan niyo po yung performance ko. Thank you Lord kayo po talaga yung boses ko kagabi, Salamat po!"