Umani ng diskusyunan sa social media ang isang post sa page ng isang teacher-vlogger na nagngangalang "Teacher Maureen," patungkol sa karanasan ng isang nagngangalang "Teacher Christine" na sinasabing bagong hired lang sa isang paaralan at hinihiritan umanong "magpakain" o manlibre sa lahat ng mga tenured o matatagal nang guro.

Isang tradisyon na raw sa nabanggit na paaralan na kapag nakatanggap na ng unang suweldo ang newly-hired teacher, kinakailangan niyang mag-treat sa lahat. Kaniya-kaniya na raw latagan ng suhestyong pagkain ang mga guro gaya ng lechon, pancit, chicken adobo, menudo, kare-kare, macaroni salad, prutas, at marami pang iba. Kaniya-kaniyang dala na lang daw ng kanin. May nagmungkahi pang kumuha na lang siya ng catering services.

Ngunit ayon sa kuwento, tila hindi raw nagpatinag si Teacher Christine.

"Nang marinig ito ni Teacher Christine, nagsabi siya ng: 'Ay, wait lang po ah. Kase yung unang sahod ko ibabayad

Human-Interest

Una at pinakabatang Pinoy na nakalibot sa buong mundo, may payo sa future travelers: 'Learn Skills!'

ko sa mga pinagkautangan ko. May paglalaanan na po ako nun. Wala namang tumulong sa inyo sa akin nung mga panahong nagi-struggle ako financially for almost 3 months. May pamilya rin po akong binubuhay. Hindi naman sa pagdadamot, pero meron na po akong naisip na gawin para sa tradisyon na tinatawag niyo hindi nga lang ganyan kabongga! Alam niyo namang bago dumating ang unang sahod ko ay pambayad utang na 'yan.'"

Kaya tanong ng teacher-blogger, "Ano kaya sa tingin ninyo ang mangyayari sa mga susunod na kabanata ng buhay ni Teacher Christine?"

May hanging statement pa siya para sa mga netizen na "Si Teacher Christine ay ___________________."

Bagama't hindi tiyak o sigurado kung totoo bang nangyari o likhang-isip lamang ito, marami ang tila naka-relate sa post na ito na umani ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens, lalo na sa mga nakaranas nito sa kani-kanilang mga trabaho, kahit hindi sa school set-up.

"Cut the chains of poverty by being financially literate and not people pleaser. Unahin ang pagbabayad ng utang kesa anuman, great decision of 'Teacher Christine.'"

"Si Teacher ay nasa tamang daan😂🤣tamang desisyon, di nagpapadala sa tradisyon kuno na nakasanayan na😂."

"Wais, kaso ingat ka lang Teacher Christine, kasi malamang sa malamang pag-iinitan ka."

"Pameryenda ka na lang ng pansit at juice as a thanksgiving. Ayos na yun sa nagsisimulang ikaw. Hayaan mo na ang sasabihin ng iba. After all you can’t please everybody. Wala ka din control sa sasabihin at iisipin nila."

"Si Christine ay hindi pasikat at hindi nagpapadikta sa sasabihin ng ibang tao. May sarili siyang pangangatwiran at wala syang kakayanang magpanggap kung ano estado nya sa buhay."

"Okay lang naman siguro magpameryenda o treat pero ikaw na magdedesisyon kung ano, hindi 'yong sila pa nagsasabi kung anong gusto nilang lamunin."

"Walang masama sa pag-treat pero sana hayaan ka nilang magdesisyon kung anong ihahanda mo para sa kanila, hindi 'yong paladesisyon sila."

"Tama lang yan, unahin ang pagbabayad ng utang at mga pangangailangan. Hindi mo naman sila mauutangan, o kung makahiram ka man, imamarites ka pa o susumbatan ka pa."

Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa 6.5k reactions, 1.6k shares, at 2.3k comments ang nabanggit na viral FB post.

Ikaw, anong masasabi mo tungkol kay Teacher Christine?

---

Disclaimer: Bagama’t ang kuwentong ito ay inaako ng may-akda na mula sa tunay na pangyayari, hindi maaaring kumpirmahin o itanggi ng Balita ang katotohanan sa mga detalye at impormasyong nakasaad dito.