Naniniwala si Senate President Chiz Escudero na hindi maiiwasan ang nangyaring pagbibitiw ni Vice President Sara Duterte bilang kalihim ng Department of Education (DepEd) matapos umanong atakihin ng kaniyang pamilya at mga kaalyado si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ang pamilya nito.
Matatandaang nitong Miyerkules, Hunyo 19, ay magbitiw si VP Sara bilang DepEd secretary dala umano ng tunay niyang malasakit para sa mga guro at kabataang Pilipino.
Sa isa namang pahayag nito ring Miyerkules, sinabi ni Escudero na nirerespeto niya ang naging desisyon ni VP Sara.
“I believe her resignation was inevitable from the time her father, FPRRD (Former President Rodrigo Roa Duterte), and her siblings and allies started attacking PBBM and members of the First family,” ani Escudero.
“Its inevitability became more pronounced when she was already silent and not expressing her support on certain policy issues such as the West Philippine Sea, the Bagong Pilipinas Hymn, the Quiboloy cases and attempted arrest, etc.,” dagdag niya.
Samantala, sinabi rin ng Senate president na may karapatan si VP Sara na magkaroon ng mga ibang patakaran at paniniwala hinggil sa mga isyu ng bansa, at naniniwala raw siyang ginagalang ito ng mga tao.
“As the Vice President, she has every right to have policy differences with the President and I believe that people love and respect her precisely for that… for having and fighting for what she believes in and for her own beliefs,” saad ni Escudero.
“I wish her well in this, her new journey as she continues to serve our people as our Vice President,” dagdag pa niya.
Matatandaang kamakailan lamang ay pinatutsadahan ni First Lady Liza Araneta-Marcos si VP Sara at sinabing “bad shot” na ito sa kaniya dahil nakita raw niya itong tumatawa habang sinasabihan ng kaniyang amang si FRRD si PBBM na “bangag.”
https://balita.net.ph/2024/04/19/vp-sara-bad-shot-na-kay-fl-liza-she-crossed-the-line/
Samantala, sinabi rin naman ng pangulo na hindi maaapektuhan ng naturang patutsada ng Unang Ginang ang working relationship nila ni VP Sara.
Hindi rin daw papalitan si VP Sara bilang kalihim ng DepEd at hindi aalisin sa Gabinete.
Matatandaan namang naglabas ng pahayag kamakailan si VP Sara hinggil sa naging patutsada ni FL Liza at sinabing wala raw kinalaman ang kaniyang mandato bilang opisyal ng pamahalaan sa personal na damdamin ng Unang Ginang.
https://balita.net.ph/2024/04/22/vp-sara-sinagot-naging-tirada-sa-kaniya-ni-fl-liza/