Umani ng reaksiyon at komento mula sa netizens ang mga dinisenyong barong Tagalog ng Filipino renowned designer na si Francis Libiran para sa Filipino Olympic boxers na sina Nesthy Petecio at Carlo para sa Olympics 2024 na gaganapin sa Paris, France.

"Proudly representing the Philippines at the Paris 2024 Olympics, boxers Nesthy Petecio and Carlo Paalam will carry the Philippine flag in exquisite barongs designed by Francis Libiran," mababasa sa kaniyang Instagram post.

"Crafted from piña-jusi fabric and featuring a detachable silk organdy sling with embroidered sun rays and Pintados-inspired warrior patterns, these barongs symbolize bravery and national pride. 🇵🇭 ✨️ On the detail, every element of the design showcases the rich cultural heritage of the Philippines."

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Marami naman ang humanga at pumuri sa pagiging genius ni Libiran pagdating sa pagdidisenyo ng damit.

"Truly Filipino Designers have Great Hands & Talents!"

"What a genius Francis Libiran ! Well crafted and inspirning work of arts. Very Filipino!"

"Talagang napaka malikhain ng mga Pinoy Designers natin."

"What a great design! Proud to see this kind of Barong that symbolises our Philippines pride. Thank you Francis Libiran for such a beautiful design."

"I love it! I find it elegant."

"Ang ganda! Lakas maka-pogi."

Sa kabilang banda, may ilang netizens din ang tila hindi nagustuhan ang disenyo.

"Parang injured na kaagad."

"Mas gusto ko simple lang."

"Maganda. Kaso bakit kailangan nilang paglaruan ang dignidad ng isang bagay na nagbibigay ng pagkilala sa Pilipinas."

"Napakasagwa...Wala na bang iba... Madami naman tayong designer bakit parang ipinatong lang... Mukhang injured agad ang Pinas... Nakteteng."

"Napilayan-look! Orthopedic inspired!"

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Libiran tungkol sa mga komento ng netizens sa kaniyang disenyo.