Isinauli ng isang tagalinis sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang pares ng medyas na naglalaman ng dollar bills na tinatayang nasa ₱1 milyong piso.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN news nitong Huwebes, nawalis umano ni Rosalinda Celero ang medyas mula sa ilalim ng mga upuan sa terminal 3 ngunit hindi niya umano ito agad napansin.

Metro

Presyo ng manok, papalo ng ₱250 kada kilo

Nang tingnan niya ito, doon niya nakita na may laman itong 202 pirasong dollar bill. Kaya naman agad niyang dinala ang medyas sa o NAIA T3 lost and found section.

Humigit-kumulang ₱1 milyong piso umano  ang halaga ng salapi.

Dagdag pa ng ulat, nirereview na ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang CCTV upang matunton kung sino ang may-ari ng medyas.

Sa ilalim ng regulasyon ng Bangko Sental, maaari lamang magdala ng hanggang $10,000 ang isang pasahero sa kaniyang hand-carry luggage.